1. Home
  2. Lipunan
  3. Organisadong Krimen

48 ninakaw na mga sasakyan nabawi sa undercover na operasyon

Sinabi ng pulis na ang mga ninakaw na sasakyan ay ipapadala sa ibang bansa o muling ibebenta sa GTA

Mga baril habang may mga sasakyan sa background.

Mga baril malapit sa mga narekober na ninakaw na mga sasakyan sa Toronto Police Service press conference sa Toronto ngayong Miyerkules, Marso 27, 2024.

Litrato: CBC / Greg Bruce

RCI

Sinabi ng pulis Toronto na nabawi nila ang 48 na ninakaw na mga sasakyan bilang parte ng isang undercover auto theft investigation na tinatawag na Project Paranoid.

Ipinakita ng mga imbestigador ang ilan sa mga sasakyang ito, kasama ang mga narekober na baril at programmed at unprogrammed key fobs sa isang news conference ngayong Miyerkules.

Sinabi ng pulisya na ang impormasyon na nakalap noong Abril 2023 sa isang hiwalay na undercover drug at gun trafficking investigation, ang Project Spectre, ay inudyok sila na maglunsad ng pangalawang imbestigasyon noong Agosto ng taon na iyon na nakapokus sa mga ninakaw na behikulo.

Anila ang 20 sa mga narekober na behikulo ay nakuha sa isang shipping location sa Burlington, habang ang natitirang 20 ay naharang sa tulong ng mga border agent sa Toronto at Montreal.

Sa pagitan ng dalawang undercover investigations, sinabi ng pulis na inaresto nila ang pitong katao at nagsampa ng 150 na kaso.

Ang imbestigasyon ay pinondohan sa pamamagitan ng isang provincial grant at Criminal Intelligence Service Ontario.

Sa isang news release, sinabi ng pulis Toronto na ang mga ninakaw na sasakyan ay itinago sa ilang mga negosyo sa Greater Toronto Area bago ibenta at ipadala sa ibang bansa, o bago i-re-VIN at irehistro upang ibenta muli.

Ang pag-re-VIN sa sasakyan ay pinahihintulutan ang isang suspek na baguhin ang Vehicle Identification Number (VIN) ng behikulo, papalitan ng ibang numero upang bigyan ng pekeng sense ng pagiging lehitimo.

Libo-libong stolen vehicles ang nirerekober: pulis

Sinabi ni Toronto police Staff Supt. Pauline Gray na ang Project Paranoid ay isa lang sa maraming imbestigasyon na nauwi sa pagbawi ng mga ninakaw na behikulo sa Ontario sa nakalipas na taon.

In 2023, police services in our province worked together to recover 15,000 stolen vehicles valued at over half a billion dollars, aniya.

Mga key fob sa mesa.

Programmed at unprogrammed key fobs para sa mga kotse nakuha rin sa kurso ng imbestigasyon.

Litrato: CBC / Greg Bruce

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Toronto police Chief Myron Demkiw na isang kotse ang ninanakaw kada 40 minuto sa Toronto noong 2023, dagdag pa niya higit 12,000 na sasakyan ang ninakaw sa Toronto noong taon na iyon.

Ang probinsya at pederal na gobyerno ay kapwa nagtutulungan upang labanan ang auto theft sa buong Ontario.

Sa 2024 provincial budget na inihain ng finance minister noong Martes, $46 milyon ang inilaan para sa pagbili ng apat na police helicopters, na gagamitin ng pulisya sa Greater Toronto Area.

We're getting into the area of police pursuits which are high risk, sinabi ni Toronto police Supt. Steve Watts.

We're getting to the area of suspects that are driving with complete disregard for everyone on the roadway. A helicopter is a huge asset. Air support is a huge asset.

Kaugnay na mga ulat

Isang artikulo ni Tyson Lautenschlager (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita