1. Home
  2. Lipunan
  3. Katutubo

Air Canada humingi ng tawad sa national chief matapos kunin ng crew ang headdress

Sinabi ng airline na nirerebyu nito ang kanilang mga polisiya kasunod ng 'regrettable incident'

Cindy Woodhouse Nepinak nagsasalita suot ang kanyang headdress.

National Chief of the Assembly of First Nations Cindy Woodhouse Nepinak sa isang news conference sa Ottawa (archives).

Litrato:  (Adrian Wyld/The Canadian Press)

RCI

Sinabi ng Air Canada na sila ay humihingi ng paumanhin pagkatapos subukan ng staff na ilagay ang headdress ng Assembly of First Nations' national chief sa cargo storage bago lumipad ang flight noong Miyerkules.

Sinabi ng kompanya sa isang pahayag noong Huwebes na sila ay humihingi ng tawad kay National Chief Cindy Woodhouse Nepinak, na sinabi sa social media noong Huwebes na siya ay pinilit na ibigay ang lalagyan na may lamang headdress na dala-dala niya sa cabin ng eroplano.

Hindi ko na hahayaan ang sinuman na kunin muli ang aking headdress o case, ani Woodhouse Nepinak sa isang pampublikong Facebook post, bago sumakay ng ibang flight patungong Montreal.

Kailangan ng Air Canada ang isang protocol para sa First Peoples para hindi kami ma-harass para sa aming sagradong mga pag-aari. Ang aming mga headdress ay hindi dapat isama sa [garbage] bags ng mga airline.

Kinontak ng CBC News si Woodhouse Nepinak, pero siya ay nagbibiyahe pa rin at hindi pa handa na magsalita nang mahaba tungkol sa insidente Huwebes ng gabi.

Sinabi ng national chief na gusto ng staff na ilagay ang kanyang headdress sa cargo storage dahil wala ng espasyo sa cabin, at ang sitwasyon na iyon ay naging tensyonado.

Aniya binantaan ng flight crew ang kanyang staff, at ipinagtanggol siya ng ibang pasahero.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita