1. Home
  2. Kalusugan
  3. Pampublikong Kalusugan

Canada sinabi na paparating na ang pharmacare — ito ang dapat mong malaman

Kasama sa federal budget ang $1.5B para ikober ang gamot sa diabetes, contraception

Mga gamot sa estante.

Prescription drugs sa mga estante sa isang parmasiya sa Montreal.

Litrato: La Presse canadienne / Ryan Remiorz

RCI

Ang pinakahuling budget ng pederal na gobyerno ng Canada nagtabi ng $1.5 bilyon upang ipatupad ang pharmacare — isang pangunahing financial commitment na may potensyal na magkaroon ng malawakang impact sa health-care system ng bansa.

Ang programa, na matagal ng hinihiling ng New Democratic Party na supply-and-confidence partner ng gobyerno, ay magsisimula ng maliit sa pamamagitan ng pagkokober sa dalawang kategorya ng gamot.

Para maipatupad ang programa, kailangan sumang-ayon ang mga probinsya at teritoryo.

Nangako ang Canada na palalawakin ang pharmacare — magtatayo ito ng isang panel ng mga eksperto upang magbigay ng payo kung paano ipatutupad nang mahusay ang isang universal, single-payer program sa hinaharap.

Nakatanggap ang CBC News ng ilang katanungan mula sa publiko tungkol sa programa.

Basahin ang mga kasagutan dito (bagong window).

Samantala, panoorin ang paglalahad ni Federal Health Minister Mark Holland ng mga detalye ng pharmacare program sa bidyo na ito:

Kaugnay na ulat

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita