1. Home
  2. Pandaigdig
  3. Mga Armadong Labanan

Hamas tinanggap ang prinopose na tigil-putukan sa Gaza mula Qatar, Egypt

Ang pinuno ng Hamas sinabi sa prime minister ng Qatar, intelligence chief ng Egypt ang desisyon

Ang mga Palestinian pinanonood ang usok sa 'di kalayuang lugar.

Usok mula sa Rafah ngayong Lunes kasunod ng mga airstrike na isinagawa ng Israeli aircraft.

Litrato: Reuters / Hatem Khaled

RCI

Sinabi ng Hamas ngayong Lunes na tinanggap nito ang proposal na tigil-putukan sa Gaza mula Egypt at Qatar.

Sinabi ng Islamist faction sa isang pahayag na ang kanilang pinuno, si Ismail Haniyeh, ay sinabi sa prime minister ng Qatar at intelligence chief ng Egypt ang kanilang pagtanggap sa naturang proposal.

Wala pang immediate na mga detalye kung ano ang nilalaman ng kasunduan, wala pa ring immediate na komento mula sa Israel.

Ang anunsyo ay dumating ilang oras pagkatapos utusan ng Israel ang mga Palestinian na lumikas mula sa Rafah, kung saan mahigit isang milyong tao ang nagtago sa katimugang bahagi ng Gaza, bago maganap ang militar na operasyon ng Israel.

Nitong mga nakalipas na araw, sinabi ng mga opisyal ng Egypt at Hamas na magaganap ang tigil-putukan sa isang serye ng stages kung saan magpapalaya ang Hamas ng mga hostage na nasa kanilang poder kapalit ng pag-atras ng mga sundalo ng Israel mula sa Gaza.

Hindi malinaw kung kasama sa kasunduan ang pangunahing kahilingan ng Hamas na tapusin ang digmaan at tuluyan nang umalis ang Israel.

Ang pinakamalapit na mga kaalyado ng Israel, kasama ang Estados Unidos, ay ilang ulit na sinabi na hindi dapat atakihin ng Israel ang Rafah. Ang nagbabadyang operasyon ay nagbunsod ng pagkaalarma ng mundo tungkol sa kapalaran ng humigit-kumulang 1.4 milyon na Palestinians na nagkukubli roon.

Nagbabala ang aid agencies na ang isang opensiba ay gagawing mas malala ang humanitarian catastrophe sa Gaza at mas marami pa ang mamamatay na sibilyan sa Israeli military campaign na dinurog na ang teritoryo at, ayon sa local Health Ministry, pinatay ang mahigit 34,000 katao.

Naglunsad ng sariling atake ang Israel sa Gaza pagkatapos umatake ang Hamas sa timog Israel noong Oktubre 7 kung saan 1,200 katao ang namatay at mahigit 250 ang dinukot, ayon sa tally ng gobyerno.

PANOORIN | Bakit mailap ang isang two-state solution:

Isang artikulo ng Thomson Reuters na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang files mula kay Yasmine Hassan ng CBC

Mga Ulo ng Balita