- Home
- Politika
- Mga Politikal na Krisis
Pro-Palestinian at pro-Israel na mga demonstrador nagharap sa McGill
Sinabi ng premier ng Quebec na dapat buwagin ng pulisya ang kampo
Nagharap ang pro-Palestinian at pro-Israel na mga demonstrador sa labas ng McGill University sa downtown Montreal kahapon, habang ang isang pro-Palestinian na kampo na itinayo noong Sabado ay nanatili sa kampus.
Ang mga estudyante sa kampo dinemanda na lumayo ang McGill mula sa mga kompanya na may business ties sa Israel.
Isa namang pro-Israel na protesta ang inorganisa bilang tugon sa encampment noong Huwebes, iwinagayway ang mga bandila ng Israel at hawak ng mga demonstrador ang mga sign na nagsasabing Pakawalan ang mga hostage
at Ibalik sila sa kanilang tahanan ngayon.
Pinatugtog ang musika sa Hebrew at nag-set up ng malaking screen sa harap ng kampus, kung saan pinalabas nila ang mga interbyu mula sa mga kababaihan na nagsabi na nakaranas sila ng sekswal na karahasan sa kamay ng mga Hamas noong Oktubre 7.
Sa kabilang dako ng police line at campus fence, isang linya ng pro-Palestinian na mga demonstrador, marami sa kanila mga miyembro ng advocacy group na Independent Jewish Voices, ang nag-chant ng mga slogan kasama ang Mga Hudyo laban sa genocide
at Sa aming lifetime, makikita natin na mamumuhay ng malaya ang Palestinians.
Basahin ang tungkol sa encampment dito (bagong window).
Kaugnay na mga ulat
- Pro-Palestinian na protesta sa kampus ng McGill lumaki sa ikatlong araw
- McGill humingi ng tulong sa pulis para buwagin ang pro-Palestinian na kampo
- Hukom ibinasura ang injunction request para buwagin ang kampo ng protesters sa McGill
- Pro-Palestinian na mga estudyanteng demonstrador nagtayo ng kampo sa U of T
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.