1. Home
  2. Politika
  3. Pederal na Politika

Nag-file ng reklamo ang pederal na mga unyon laban sa dagdag oras sa opisina

Sinabi ng PSAC na ang 3-araw na kautusan ay sinisira ang collective agreements

Nakatalikod na taong naka-hoodie bitbit ang watawat ng Public Service Alliance of Canada sa harap ng gusali.

Public Service Alliance of Canada workers sa labas ng Canada Revenue Agency (archives)

Litrato: (Gino Donato/The Canadian Press)

RCI

Ilang federal public service union bumuo ng mga pormal na reklamo na nagsasabi na sa pamamagitan ng pag-uutos sa federal public servants na bumalik sa opisina tatlong beses isang linggo sa Setyembre, ang pederal na gobyerno ng Canada ay sinisira ang collective agreements.

Inutusan ng gobyerno ang lahat ng public servants, may ilang exceptions, na pumasok sa opisina tatlong araw sa isang linggo simula Setyembre 9.

Iyon ay isang increase mula sa kasalukuyang rules na nire-require ang mga manggagawa na pumasok sa opisina dalawa o tatlong beses isang linggo. Ang benchmarks kung minsan ay maa-average sa loob ng isang buwan kaysa isang linggo.

Sinabi ng Treasury Board na in-update nito ang polisiya upang i-maximize ang presensya sa lugar na pinagtatrabahuhan at dalhin ang higit na fairness at consistency sa aplikasyon ng hybrid work.

Nakuha ng Radio-Canada ang kopya ng mga reklamo ng Public Service Alliance of Canada (PSAC) sa Federal Public Sector Labour Relations and Employment Board.

May petsang Martes, hindi malinaw kung ang dalawang reklamo sa Treasury Board of Canada — ang isa ay direktang tungkol sa board at ang isa naman tungkol sa mga kasunduan ng bargaining group sa Canada Border Services Agency (CBSA) — ay opisyal na isinumite.

Ang Canadian Association of Professional Employees (CAPE), Association of Canadian Financial Officers (ACFO) at ang Professional Institute of the Public Service of Canada (PIPSC) sinabi rin ngayong Miyerkules na sila ay magsusumite ng mga reklamo.

Ang suliranin sa legal complaint ng Public Service Alliance of Canada, bukod sa nagpapatuloy na mga alalahanin tungkol sa work-life balance, ay ang collective agreements nire-require ang mga manager na i-assess ang remote work requests individually, hindi by group.

Pagkatapos noong nakaraang linggo, kahit na may mga pagsisikap na ginagawa upang bumuo ng isang consultation committee, binago ng gobyerno ang rule na ito unilaterally, ayon sa mga unyon.

Ang parehong reklamo ng Public Service Alliance of Canada inakusahan ang Treasury Board na hindi nakipagkasundo in good faith at sinisira ang reputasyon ng unyon.

Dagdag pa ng reklamo ng Canada Border Services Agency tila sinira ng gobyerno ang Labour Relations Act sa pamamagitan ng pagbabago sa rule habang inaayos ang isang bagong kasunduan. Ang dating kasunduan ay nag-expire noong 2022.

Nais ng Public Service Alliance of Canada na panatilihin ang dalawa-hanggang-tatlong araw na plano. Ang national president ng unyon, si Chris Aylward, nangako ngayong Miyerkules na magkakaroon ng isang summer of discontent kung hindi iyon matutupad, sinabi na hinihikayat niya ang mga miyembro na mag-file ng kanilang indibidwal na mga hinaing.

Sinabi naman ni Canadian Association of Professional Employees President Nathan Prier na nais niyang tanggalin ang mandatory na oras sa opisina entirely.

Ang opisina naman ng presidente ng Treasury Board na si Anita Anand na ang workplaces ay maaaring i-accommodate ang transition na ito.

Sinabi ng minister sa mga reporter sa labas ng isang meeting ngayong Miyerkules na ang gobyerno ay may jurisdiction na gawin ito.

A hybrid work environment is not within the collective agreements, ani Anand. It is something that, at the time of the negotiations, the Government of Canada retained prerogative over to determine the scope of the hybrid environment.

Basahin ang buong istorya rito.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang files mula kina Jodie Applewaithe at Maude Ouellet at Estelle Côté-Sroka ng Radio-Canada

Mga Ulo ng Balita