1. Home
  2. Lipunan
  3. Mga Krimen at Mga Sala

Ano ang Bishnoi gang at paano ito na-link sa pagpatay kay Hardeep Singh Nijjar?

Alamin sa istorya na ito

Hardeep Singh Nijjar kasama ang ibang lalaki sa templo.

Hardeep Singh Nijjar (archives)

Litrato: CBC / Ben Nelms

RCI

Ang tatlong kalalakihan na kinasuhan ng alleged conspiracy upang patayin si Hardeep Singh Nijjar — sina Karan Brar, Kamalpreet Singh at Karanpreet Singh — ay pinaniniwalaan na konektado sa Lawrence Bishnoi gang, ayon sa mga source kaugnay ng imbestigasyon sa kaso ni Nijjar.

Karan Brar (kaliwa), Kamalpreeet Singh (gitna) at Karanpreet Singh (kanan).

Ang Integrated Homicide Investigation Team ay naglabas ng mga larawan nina Karan Brar (kaliwa), Kamalpreeet Singh (gitna) at Karanpreet Singh (kanan), ang tatlong lalaking inaresto dahil sa pagpatay sa aktibistang Sikh na si Hardeep Singh Nijjar sa Surrey, BC, noong Hunyo 2023.

Litrato: L’Équipe intégrée d’enquête sur les homicides

Sinabi ng Canadian police sources na ang Bishnoi gang ay isa sa criminal enterprises mula sa estado ng Punjab at Haryana sa hilagang India na kumalat sa North America nitong mga nakalipas na taon, kahit na ang nagtaguyod nito na si Lawrence Bishnoi ay nakapiit sa kulungan sa India mula pa noong 2014.

Maraming features ng gang culture na pinanggalingan ng Bishnois ay pamilyar sa mga observer ng organisadong krimen sa North America. Ang iba ay distinctly Indian.

Ang Punjabi gangsters nagra-rap sa YouTube, pina-flash ang mga baril, sasakyan at bling sa Instagram, at nag-iisyu ng banta sa Facebook. Habang ang gang ay maaaring pumatay bilang tugon sa diss track ng kalaban, ang parehong gang maaari rin gumanti dahil sa paglabag sa religious taboo, tulad ng Bishnois na laban sa isa sa pinakasikat na artista sa India.

Ang kanilang karahasan ay nag-uugat sa village codes of honour and vendetta, ngunit pangunahing itinutulak ng modern imperatives ng business at pulitika. Inilarawan ng Indian media ang drug smuggling at extortion bilang pinakamalaking source ng income ng mga gang, sa India at sa ibang bansa.

Si Nijjar, isang prominenteng Sikh na aktibista, ay binaril sa labas ng kanyang gurdwara sa Surrey, B.C., noong Hunyo 2023. Noong Setyembre, tumayo si Prime Minister Justin Trudeau sa House of Commons para sabihin na ang Canadian security agencies have been actively pursuing credible allegations of a potential link between agents of the government of India at pagpatay kay Nijjar.

Ang tatlong lalaki ay inaresto noong Biyernes at nahaharap sa first-degree murder at conspiracy charges sa kaso ni Nijjar. Ang mga kalalakihan ay magpa-file pa lang ng kanilang plea sa korte.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita