1. Home
  2. Lipunan
  3. Mga Pampublikong Serbisyo

Canadians nakikipagbuno pa rin sa hindi magandang passport service

Ang matagal na paghihintay sa phone o in person at napakahabang pila sanhi ng frustration ng ilang biyahero

Maraming tao sa labas ng gusali ng Service Canada.

Ang pila ng halos 300 katao ay nabuo bago sumikat ang araw sa labas ng Service Centre sa Laval, Que., noong Hulyo 30.

Litrato: Gisela Frias

RCI

Ang Canadians nasanay na maghintay ng ilang oras sa phone at in person kapag nakikipag-ugnayan sa Passport Canada, sanhi ng pagkayamot ng maraming biyahero sa kalidad ng serbisyo sa mga kostumer ng ahensya.

Ang gulo pagkatapos ng COVID na pandemya sa mga passport office ay nag-udyok sa pederal na gobyerno na kumilos at mangako ng isang serye ng mga pagbabago para maibigay ang mga dokumento sa kamay ng mga biyahero sa tamang oras.

Sinabi ng Passport Canada na pagkatapos ng matagal na panahon ng mga delay dahil sa pandemya, ang ahensya ay nagbalik na sa normal service standard ng pagbibigay ng mga pasaporte sa mga tao sa loob ng 10 hanggang 20 business days, depende kung saan unang isinumite ang aplikasyon.

Ngunit ang service standard ng ahensya ay hindi nangako tungkol sa kung gaano kabilis nila mapaglilingkuran ang mga tao in person o sa telepono.

Iminunghaki ng data at anecdotal reports na ang track record ng Passport Canada sa customer service ay hindi maganda.

Isang analysis ng CBC News sa passport office wait times ay ipinapakita na ang mga tao sa urban centres ay madalas naghihintay ng ilang oras sa isang customer service agent sa mga opisina ng Passport Canada.

Samantala, inanunsyo noon ng pederal na gobyerno ang pagkakaroon ng online passport status tracker.

At ang bagong disenyo ng Canadian passport.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita