1. Home
  2. Sining
  3. Mga Sikat

Mansyon ni Drake sentro ng imbestigasyon sa pamamaril: Toronto police source

Security guard seryosong nasaktan sa drive-by shooting, ayon sa police source

Isang behikulo ng Toronto police.

Hinarangan ng pulis ang tahanan ni Drake matapos ang pamamaril sa lugar Martes ng madaling araw.

Litrato: Radio-Canada / Dale Manucdoc

RCI

Ang mega-mansion ng Canadian rap star na si Drake ang sentro ng isang imbestigasyon sa pamamaril kung saan ang isang lalaki ay seryosong nasaktan, sinabi ng police source sa CBC Toronto.

Ang entrance sa malaking property sa Park Lane Circle sa ritzy Bridle Path neighbourhood ng Toronto ay hinarangan ng pulis Martes ng umaga. May mabigat na presensya ng mga pulis sa naturang lugar buong umaga.

Ang pamamaril ay naganap bandang 2:10 a.m. ET, sinabi ng Toronto police sa isang maikling post sa X, dating Twitter. Ang general location na ibinigay ng pulis ay malapit sa corner ng Bayview at Lawrence avenues.

Nakatagilid ang pose ng lalaki.

Canadian rap star, Drake (archives)

Litrato: Page Facebook de Drake

Hindi pa nagbibigay ng komento ang pulis tungkol sa kaso sa puntong ito.

Gayunpaman, sinabi ng police source na ang mga unang detalye mula sa initial na tawag ay iminumungkahi na ang biktima ay isang security guard sa bahay na tila nabaril sa drive-by attack.

Siya ay may gunshot wound sa dibdib at walang malay nang dumating ang mga officer, ayon sa initial report.

Ang biktima ay dinala sa ospital sa pamamagitan ng emergency run, kung saan siya ay sumailalim sa surgery.

Ang mga imahe ng malapalasyong 50,000-square-foot mega mansion ay madalas sini-share online, kadalasan ni Drake mismo.

Isang mapa.Palakihin ang larawan (bagong window)

Lokasyon ng pamamaril.

Litrato: CBC

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita