1. Home
  2. Kalusugan
  3. Coronavirus

Canada ititigil ang pagbibigay ng COVID-19 rapid tests sa mga rehiyon

Walang plano na i-replenish ang inventory at nakatakda itong mag-expire sa Disyembre

Isang kahon ng COVID-19 rapid test.

Isang COVID-19 rapid test (archives).

Litrato: La Presse canadienne / Jeff McIntosh

RCI

Plano ng Gobyerno ng Canada na ihinto ang pagsusuplay sa mga probinsya at teritoryo ng libreng COVID-19 rapid tests, na sanhi ng pag-aalala ng isang infection control epidemiologist tungkol sa two-tiered health care, tumaas na pagkalat ng COVID at tumaas na gastusin sa pangangalaga sa kalusugan.

Ang pederal na gobyerno patuloy na susuportahan ang rapid testing needs ng Canada habang mayroong federal inventory, sinabi ng tagapagsalita ng Health Canada na si Nicholas Janveau sa CBC News.

That said, ang rapid test programming ay, at nagpapatuloy na isang responsibilidad ng probinsya/teritoryo.

Ang Canada ay kasalukuyang may humigit-kumulang 70 milyon na tests, na maaaring gamitin ng mga tao sa bahay upang mag-screen para sa virus.

Humigit-kumulang 3.6 milyon ng mga ito ang nag-expire na at hindi na kwalipikado para ipamigay.

Sinabi ni infection control epidemiologist Colin Furness na hindi siya nasorpresa na nais ng Canada na umalis sa testing game at hindi niya sinisisi ang pederal na gobyerno dahil ang pangangalaga sa kalusugan ay responsibildad ng probinsya at teritoryo.

Ang problema, ani Furness, ay ang mga jurisdiction ay hindi nag-step up para magbigay ng libre o, at least, subsidized tests, ang mga tao ay napuwersa na bilhin ang mga ito kung nais nilang malaman kung sila ay COVID-positive at dapat gumawa ng hakbang upang maiwasan ang transmission.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita