1. Home
  2. Politika
  3. Pangprobinsiyang Politika

Canada aprubado ang request ng B.C. na i-recriminalize ang paggamit ng droga sa publiko

Hiniling ni B.C. Premier David Eby ang adjustment sa decriminalization program ng probinsya noong Abril

Isang babae na nakasalamin.

Liberal MP Ya’ara Saks, ang bagong minister ng mental health and addictions, sa House of Commons noong Abril 29, 2022.

Litrato: La Presse canadienne / Patrick Doyle

RCI

Sinabi ni Minister of Addictions and Mental Health Ya'ara Saks na inaprubahan ng pederal na gobyerno ng Canada ang request ng gobyerno ng B.C. na muling gawing krimen ang paggamit ng ipinagbabawal na droga sa mga pampublikong lugar.

Higit isang taon pa lang ang pilot program na pinahihintulutan ang mga matanda na magdala ng hanggang 2.5 gramo ng droga para sa personal use na hindi mahaharap sa criminal charges. Ang programa ay ginawang posible sa pamamagitan ng exemption na ibinigay ng Health Canada sa ilalim ng Controlled Drugs and Substances Act.

Hiniling ni B.C. Premier David Eby halos dalawang linggo na ang nakalipas na i-adjust ang exemption upang gawing krimen muli (recriminalize) ang paggamit ng mga drogang iyon sa mga pampublikong lugar, tulad ng mga ospital at restawran.

Sinabi ni Saks sa mga reporter sa labas ng House of Commons na inaprubahan niya ang request at ito ay magiging epektibo kaagad.

Habang ang matatanda ay pinahihintulutan pa rin na magdala ng maliit na amount ng illicit drugs at gamitin ito nang pribado, maaari silang arestuhin kapag gumamit sa publiko.

Kaugnay na mga ulat

Isang artikulo ni Darren Major (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita