1. Home
  2. Pandaigdig
  3. International Relations

Trudeau magbibigay ng talumpati sa international union convention sa U.S.

Naimbitahan ang PM na magsalita sa Service Employees International Union convention sa Mayo 21

Justin Trudeau nagsasalita.

Prime Minister Justin Trudeau nagsalita sa isang anunsyo sa Wanuskewin Heritage Park malapit sa Saskatoon noong Martes, Abril 23, 2024.

Litrato: La Presse canadienne / Heywood Yu

RCI

Si Prime Minister Justin Trudeau nakatakdang i-promote ang trade relationship ng Canada sa Estados Unidos sa isang talumpati para sa isa sa pinakamalaking unyon sa North America sa susunod na linggo.

Sinabi ng opisina ni Trudeau na siya ay naimbitahan na magsalita sa Service Employees International Union (SEIU) quadrennial North American convention sa Mayo 21.

Ang talumpati ay dumating habang naghahanda ang Canada para sa posibilidad ng pangalawang pagkapangulo ni Donald Trump, na nagbanta na magpapatong ng 10 porsyento na taripa sa lahat ng mga import, kasama ang manggagaling sa Canada.

Ang Service Employees International Union inindorso si U.S. President Joe Biden sa paparating na presidential race.

Mayroon itong mahigit dalawang milyong miyembro, kasama ang ilan sa Canada, na kumakatawan sa malawak na range ng mga manggagawa sa multiple service jobs kabilang ang health care, mga restawran, security, mga eskwelahan at paliparan.

Habang nasa Philadelphia, inaasahan na makikipagkita si Trudeau sa U.S. business leaders.

Ang Pennsylvania ang isa sa pinakakritikal na trade relationships ng Canada sa Estados Unidos, na ang two-way trade ay nasa higit $27 bilyon noong 2023.

Ang fossil fuels, metals, pharmaceuticals at food products, kasama ang chocolate, ay ilan sa pinakamalaking imports at exports sa parehong panig.

Ang Canadian na mga kompanya ay may higit 25,000 na manggagawa sa Pennsylvania.

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita