1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Pampublikong Pananalapi

King Charles hindi makikita sa $20 bills hanggang 2027, ayon sa Bank of Canada

Ang mga unang coin tampok si King Charles ay nag-circulate noong Disyembre

Mukha ni King Charles.

King Charles (archives)

Litrato: (Hollie Adams/AFP/Getty Images)

RCI

Ang bagong $20 bills tampok ang mukha ni King Charles ay hindi pa maisasama sa sirkulasyon ng ilang taon, sinabi ng Bank of Canada noong Lunes.

Ang gobyerno ay lumilikha ng isang bagong disenyo para sa pinakakaraniwang circulated bank note sa Canada ngunit hindi pa ito magiging handa para sa sirkulasyon hanggang 2027.

Ang proseso ng pag-iisyu ng bagong pera ay may ilang hakbang: pananaliksik at development, , disenyo — kasama ang security features — at, finally, produksyon, sinabi sa bagong news release ng Bank of Canada.

Habang itatampok pa rin dito ang litrato ng Vimy Ridge memorial, ang bagong pera ay magiging vertical tulad ng ni-redesign na $10 bill kamakailan.

Inanunsyo ng gobyerno na papalitan ni King Charles ang kanyang ina, ang yumaong si Queen Elizabeth II, sa currency ng Canada nang ipinagdiwang ang kanyang koronasyon noong isang taon.

Ang unang Canadian coins na may imahe ni King Charles ay inilahad noong Nobyembre at nagsimulang i-circulate noong Disyembre. Lahat ng Canadian coins na nasa sirkulasyon na may imahe ng Reyna ay nananatiling legal tender.

Mga tao ipinakita ang bagong Canadian coin tampok si King Charles.

Royal Canadian Mint president and CEO Marie Lemay, kaliwa, at Canadian portrait artist Steven Rosati, kanan, ipinakita ang isang replica ng unang Canadian coins tampok ang mukha ni King Charles ngayong Martes sa Winnipeg location ng mint.

Litrato: Radio-Canada / Anne-Louise Michel

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang files mula sa The Canadian Press

Mga Ulo ng Balita