1. Home
  2. Lipunan
  3. Imigrasyon

Job market sa Sudbury, Ont. mahirap para sa international students, ayon sa newcomer

Ang YMCA ng Northeastern Ontario sinabi na 500 international students ang naghahanap ng trabaho kada buwan

Litrato ni Vinay Khokhar.

Sinabi ni Vinay Khokhar na isang buwan ang lumipas bago siya nagkatrabaho sa McDonald's nang lumipat sa Sudbury dalawang taon na ang nakalipas.

Litrato: Vinay Khokhar

RCI

Nang dumating si Vinay Khokhar sa Sudbury, Ont., bilang international student dalawang taon na ang nakalipas, sinabi niya na isang buwan ang lumipas bago siya nakakuha ng part-time job sa McDonald's.

I was so desperate to get a job, I was literally handing off my resume everywhere, aniya.

Every shop, every restaurant like McDonald's, Tim Hortons, every food court, construction companies. Everywhere.

Dumating si Khokhar mula sa India para mag-aral sa Cambrian College. Ngayon siya ay nagtatrabaho bilang personal support worker, ngunit nanatili rin sa McDonald’s, kung saan siya ay isang hiring manager.

Aniya apat hanggang lima ang nagbibigay ng kanilang resumes sa lokasyon ng McDonald's na kanyang pinagtatrabahuhan bawat araw. Marami sa kanila ay international students.

When I did the interview the last time, there were almost 40 to 45 international students who were looking for a job, aniya.

And almost every one of them, they have been here for the last four to six months and they haven't gotten a job yet.

Si Nancy Rivest ay isang general manager ng employment at immigrant services sa YMCA ng Northeastern Ontario. Aniya sa kasalukuyan may humigit-kumulang 5,000 international students sa Sudbury, at malaking bilang nun ay naghahanap ng trabaho.

We see, I would say approximately 500 students per month, at least, aniya. And at times that number is higher.

Sinabi ni Rivest na ang ilang estudyante ay naghahanap ng trabaho sa buong panahon na sila ay nasa Sudbury, habang ang iba naman ay mabilis na nakakakita ng trabaho.

Sa YMCA tinutulungan niya ang mga international student na mas maunawaan ang Canadian labour market at ang local expectations mula sa mga employer.

Their resumes often need help just because again, different countries have different ways of doing their resumes, ani Rivest.

Si Dhwani Bhatia ang organizational change manager sa Spark Employment Services sa Sudbury.

Aniya ang mga international student na naghahanap ng trabaho ay kailangan maging matiyaga at tingnan kung paano nila maa-upgrade ang kanilang skills, kung kinakailangan.

Be confident in your skills and showcase that to the employers, aniya.

Work hours binawasan para sa international students

Simula sa taglagas, ang mga international student sa Canada ay makapagtatrabaho lamang ng 24 oras kada linggo sa labas ng kampus, bumaba mula sa 40 oras kada linggo na pinapairal sa kasalukuyan.

To be clear, the purpose of the international student program is to study and not to work, sinabi ni Immigration Minister Marc Miller sa mga reporter nang ginawa ang anunsyo noong Abril.

Sang-ayon si Khokhar na ang pangunahing prayoridad ng international students ay mag-aral, ngunit idinagdag na ang bagong restrictions ay gagawing mahirap para sa marami na mabuhay sa Canada habang sila ay pumapasok sa eskuwela.

I don't think anyone can survive working 20 hours in a week. And that's on minimum wage, aniya.

Isang artikulo nina Erika Chorostil (bagong window), Jonathan Migneault (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita