1. Home
  2. Politika
  3. Pederal na Politika

Panukalang-batas iminungkahi ang paglikha ng foreign agent registry

Ipinakilala ni Public Safety Minister Dominic LeBlanc ang bill sa House of Commons

Isang lalaki.

Public Safety Minister Dominic LeBlanc (archives)

Litrato: Radio-Canada

RCI

Kumikilos ang gobyerno ng Canada upang pigilan ang foreign interference o pakikialam ng mga dayuhan sa pinalawak na kapangyarihan ng Canadian Security Intelligence Service at ang matagal ng hinahangad na registry para sa mga nagtatrabaho para sa interes ng mga dayuhan.

Ang bagong panukalang-batas ay dumating ilang araw pagkatapos magbabala ang inquiry sa foreign interference na ang pakikialam ng mga nasa labas ay sinisira ang tiwala sa eleksyon ng Canada.

Ipinakilala ni Public Safety Minister Dominic LeBlanc ang panukalang-batas — opisyal na pinamagatang An Act respecting countering foreign interference — sa House of Commons noong Lunes ng hapon.

Ang foreign agent registry ay nire-require ang mga tao na umaakto sa ngalan ng isang dayuhang estado na ilantad ang kanilang relasyon sa gobyerno na kanilang pinagtatrabahuhan. May ganitong registries na sa U.S. at Australia.

Panoorin ang ulat ng CBC News sa bidyo na ito:

Basahin ang buong istorya rito.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin ang paglalarawan sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita