1. Home
  2. Lipunan
  3. Multiculturalism

Asian Heritage Month: Ang musika ni Marvin Chan na kilala rin bilang Merv xx Gotti

Si Chan ay isa sa likod ng Finding strength in our (hi)stories project tampok ang Asian Canadian artists

Isang lalaki naggigitara sa loob ng music studio.

Si Marvin Chan ay nagsilbi bilang consultant ng proyektong "Finding strength in our (hi)stories" ng CBC Saskatchewan.

Litrato: Marvin Chan

RCI

Si Marvin Chan, na kilala rin bilang Merv xx Gotti, ay isang multi-genre artist, singer-songwriter at community builder mula sa Regina, Saskatchewan, na nagsilbing consultant para sa proyekto ng CBC Saskatchewan na may temang Finding strength in our (hi)stories tampok ang Asian Canadian artists sa pagdiriwang ng Asian Heritage Month 2024.

Kung minsan ang pagtatanggal sa middle person na iyon o ang middle voice interpretation ay mas nakakarating sa katotohanan, at ang katotohanan ay nakikipag-usap sa mga tao ng komunidad na iyon, aniya.

Ang proyekto ng CBC Saskatchewan ay ipagdiriwang din sa pamamagitan ng isang screening ng mga likha ng artist na ito sa gabi ng Mayo 16 sa CBC Broadcast Centre, na may artwork, pagkain at inumin. Libre ang registration ngunit limitado ang espasyo. I-click ito upang magparehistro (bagong window).

Isang artikulo ng CBC Communications na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita