1. Home
  2. Lipunan
  3. Tahanan

Housing: Canada hindi ipapadala ang $357M na pondo para sa Ontario

Nabigo raw ang gobyerno ni Ontario Premier Doug Ford na magbigay ng plano para sa affordable housing

Mga litrato nina Calandra at Fraser pinagtabi.

Ontario Housing Minister Paul Calandra (kaliwa), at Federal Housing Minister Sean Fraser.

Litrato: Evan Mitsui/CBC et Adrian Wyld/La Presse canadienne

RCI

Mukhang totohanin ng gobyerno ni Justin Trudeau ang banta nito na hindi ipadala ang $357 milyon na pondo para sa Ontario dahil nabigo ang gobyerno ni Doug Ford na magbigay ng plano para sa abot-kayang pabahay sa probinsya.

Sinabi ito ni Federal Housing Minister Sean Fraser sa isang liham sa kanyang counterpart sa Ontario, si Paul Calandra, na ibibigay ng Canada ang perang ito nang direkta sa mga affordable housing project.

Sina Minister Fraser at Prime Minister Justin Trudeau nagpahiwatig na dati na ang pederal na gobyerno ay direktang makikipag-ugnayan sa mga lungsod kung ang gobyerno ng Ontario ay hindi susunod sa mga hinihingi nito.

Sinabi ni Minister Fraser na ang kanyang tanging kondisyon ay ipakita ng Ontario kung paano magtatayo ang probinsya ng 19,660 na bagong affordable housing units pagsapit ng 2028.

"Nakatanggap na ang Ontario ng isang taong extension," dagdag pa ni Minister Fraser sa kanyang liham. "Kami ay handa na magbigay ng isa pang extension hanggang Setyembre 30, 2024," sinabi ng ministro, gayunpaman, tinanggihan ng Ontario ang approach na ito.

Dahil ang Ontario ay nahuhuli nang malaki sa ibang mga probinsya at teritoryo sa pagtatayo ng abot-kayang pabahay, naniniwala ako na ang kahilingang ito na makita ang mga detalye ng plano ng Ontario ay makatwiran.
Isang quote mula sa Sean Fraser, Canadian Minister of Housing

Malayo sa target

Ayon sa Canada, ang Ontario ay kasalukuyang nasa 6% lamang ng target ng halos 20,000 na abot-kayang pabahay.

Inakusahan ni Minister Calandra ang pederal na gobyerno noon na binago ang performance indicator, na binago ang paraan ng pagbibilang. Sinabi ng Ontario na ito ay nag-ayos at nag-renovate ng maraming bahay, halimbawa.

Ang gobyerno ni Ford ay nagtakda ng layunin na magtayo ng 1.5 milyong bagong tahanan pagsapit ng 2031, nang walang tiyak na target para sa abot-kayang pabahay.

Inakusahan ng mga kritiko ang Ontario na pinaglalaruan ang mga numero, dahil binibilang din ng probinsya ang new beds sa long-term care centres tungo sa layunin nito.

Isang artikulo ng Radio Canada International na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita