1. Home
  2. Politika
  3. Mga Politikal na Krisis

Pro-Palestinian na kampo sa McGill isa nang ‘maliit na siyudad’

Ang mga nagpoprotesta ay handang mag-camp out para sa isang pang linggo

Mga taong may bitbit na mga tent at supplies.

Ang pro-Palestinian na mga demonstrador nagdala ng rainproof tents, isang library, isang stockpile ng donated supplies sa McGill encampment.

Litrato: La Presse canadienne / Christinne Muschi

RCI

Isang patchwork ng makukulay na tarp tinakpan ang dose-dosenang tent sa pro-Palestinian na kampo sa downtown campus ng McGill University noong Linggo, pinrotektahan ang mga nagpoprotesta mula sa malakas na ulan at mga nanunuyang mata.

Mahigit isang linggo pagkatapos magsimula ang unang Canadian pro-Palestinian campus encampment sa Montreal, sinabi ng mga organizer sa McGill na sila ay mas handa na ngayon para sa mga darating na araw, salamat sa mga dinonate na materyal at suporta ng komunidad.

Sinabi ng demonstrador na si Ari Nahman noong Linggo na ang kampo sa Montreal ay naging isang maliit na siyudad na may dose-dosenang rainproof tents, isang library, isang stockpile ng dinonate na mga supply at pansamantalang mga sidewalk na gawa sa kahoy para maiwasan ang putik.

Sinabi ni Nahman, na isang estudyante sa Concordia University, na mataas ang moral sa kampo, bagama’t ilang araw na umuulan na ginawang madulas ang lower filed ng McGill.

I think we're much more equipped and prepared today for the various weathers that exist, ani Nahman. We're positive, the morale is good.

Noong Linggo, ang mga miyembro ng kampo ay makikitang naghukay ng mababaw na kanal upang may pagdaluyan ang malakas na ulan, habang ang iba tumao sa isang libreng tindahan na nag-aalok ng mainit na kape, pagkain at rain gear.

Buong linggo, ang mga estudyante ay nagsagawa ng teach-ins, workshops at film screenings kaugnay ng pakikibaka ng mga Palestinian.

Sinabi ni Nahman na mula Linggo ng umaga, ang kampo ay nakatanggap ng malaking bilang ng mga donasyon, kasama ang mga power bank, arts and crafts supplies, mga kumot, tent, tarp, poncho, pallet at napakaraming pagkain.

Demands para sa divestment sa mga unibersidad

Ang mga pro-Palestinian na aktibista ay nagtayo rin ng mga tent sa University of Toronto, University of Ottawa at University of British Columbia campus sa Vancouver, kasunod ng wave ng katulad na mga protesta sa mga kampus sa Estados Unidos bilang tugon sa karahasan sa Gaza.

Sinabi ng mga estudyante sa University of Manitoba na nagpaplano sila na magtayo ng kampo ngayong linggo.

Inilarawan ng McGill at ni Quebec Premier François Legault ang kampo sa Montreal na iligal at hiniling sa pulisya na buwagin ang mga tent — bagama’t noong Linggo wala namang pulis ang sumunod sa request.

Ang mga kontra sa kampo, kasama ang counter-protesters na nagpakita noong Huwebes, sinabi na nararamdaman ng ilang Jewish na estudyante na sila ay hindi ligtas.

Hinihiling ng mga demonstrador sa kampo na ilahad ng kanilang mga institusyon ang lahat ng investments at i-divest ang funds mula sa mga kompanya na sinasabi ng mga demonstrador ay sinusuportahan ang mga aksyon ng Israel laban sa Palestinians. Nais din nila na putulin ng mga eskuwelahan ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga institusyon ng Israel.

Sinabi ni Nahman, isang miyembro ng Independent Jewish Voices Concordia, na ang mga demonstrador sa McGill ay maingat na sinusubaybayan ang mga nangyayari sa Estados Unidos, kung saan ang ilang nagpoprotesta ay nakipagkasundo sa kanilang mga eskuwelahan at ang iba ay sinagupa ng aksyon ng pulis.

Ayon sa Associated Press 2,500 katao ang naaresto sa 50 kampus mula Abril 18, batay sa kanilang reporting at mga pahayag mula sa mga unibersidad at pulisya.

Noong nakalipas na linggo, nag-alok ang McGill ng isang forum upang pag-usapan ang mga demand ng protesters kung bubuwagin ang mga tent "kaagad." Noong Linggo, sinabi ng eskuwelahan na ito ay nagsusumikap na makipag-ugnayan diligently and in good faith with all interested parties.

Sinabi ni Nahman na ang mga nagkakampo sa Montreal ay walang ibang gusto kundi ang mag-impake ng kanilang mga tent.

We are willing to leave once we see divestment — not a promise of a discussion of divestment, not a vote in a few months for divestment, ani Nahman.

Isang artikulo nina Morgan Lowrie (bagong window), Ritika Dubey (bagong window), The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang files mula kay Erika Morris ng CBC

Mga Ulo ng Balita