1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Personal na Pananalapi

CRA binaligtad ang $246M na utang ng mga tao mula sa pandemic benefit na maling binigay

Sinabi ng tax agency na ibinalik sa 27,000 Canadians ang kanilang eligibility

Isang gusali ng Canada Revenue Agency.

Gusali ng Canada Revenue Agency (archives).

Litrato: The Canadian Press / Adrian Wyld

RCI

Ang pederal na gobyerno ng Canada kinansela ang $246 milyon na utang ng libo-libong Canadians na una nilang sinabi na tumanggap ng benepisyo noong pandemya na hindi naman sila eligible o kwalipikado.

Mula 2022, nangongolekta na ng pera ang Canada Revenue Agency (CRA) mula sa Canadians na sinasabi ng gobyerno ay tumanggap ng benepisyo — tulad ng Canada Emergency Response Benefit (CERB) at Canada Recovery Benefit (CRB) — in error.

Hindi binigay ng gobyerno ang tax refunds at iba pang benepisyo sa mga taong ito sa pagsisikap na mabawi ang perang ipinadala sa mga indibidwal na sinasabi nila ay hindi kwalipikado para sa pera na kanilang natanggap.

Ngunit sinabi ng Canada Revenue Agency sa CBC News na sa pagtatapos ng 2023, nakolekta na nito ang humigit-kumulang $1.8 bilyon para sa maling pagbabayad ng benepisyo noong pandemya.

Ngunit kinontra ng maraming Canadians ang assessment ng gobyerno sa kanilang eligibility para sa mga benepisyong ito at daan-daan ang dinala ang gobyerno sa korte.

Sinabi ng Canada Revenue Agency sa CBC News na mula Abril, binaligtad na nito ang mga utang ng 27,000 na indibidwal na orihinal na itinuring na ineligible ngunit kalaunan ay binerepika ang kanilang eligibility.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita