1. Home
  2. Lipunan
  3. Multiculturalism

Para sa Asian Heritage Month, ipinagdiwang ang Asian identities sa pamamagitan ng art

Ang mga artist ipinahayag ang kanilang mga istorya at pangarap sa pamamagitan ng iskultura, awit at sayaw

Iba't ibang grupo ng mga Asyano sa iisang litrato.

Tampok sa CBC ang apat na local Asian artists at groups at ang kanilang orihinal na nilikhang art para sa CBC sa ilalim ng temang, “Finding strength in our (hi)stories.”

Litrato: CBC

RCI

Para sa Asian Heritage Month, kumonekta ang CBC Saskatchewan sa Asian Canadian artists upang pahintulutan sila na ipahayag ang kanilang mga istorya sa pamamagitan ng sining.

Sa buong buwan ng Mayo, ipapakita namin ang apat hanggang lima na iba’t ibang kuwento, kasama ang original work ng isang artist o grupo kada linggo, sa pamamagitan ng awitin, iskultura at sayaw. Ang mga artwork na ito ay nilikha sa ilalim ng temang, Finding strength in our (hi)stories.

May mga artist tayo na kumakatawan sa lawak ng Asya, kasama ang India, Cambodia, Iran, Tsina at Pilipinas. Pinasasalamatan namin ang bawat isa sa kanila para sa pag-imbita sa amin sa kanilang tahanan at lugar na pinagtatrabahuhan, at pagbahagi ng kanilang istorya.

Ang unang piece ay nilikha ng magkapatid na Iranian na sina Shima at Shamim Aghaaminiha, mga artist na ginamit ang kanilang nilikha upang i-highlight ang hirap at sakripisyo ng mga Iranian na ipinaglalaban ang kanilang kalayaan.

Anila, sila ay umalis ng Iran kung saan ang mga artist ay walang kalayaan na ipahayag ang kanilang taliwas na pulitikal na mga opinyon, nakahanap sila ngayon ng catharsis sa paglikha ng art.

PANOORIN | Magkapatid na Iranian ipinaliwanag ang art piece na kanilang nilikha para sa CBC Saskatchewan:

Isang artikulo ng CBC Communications na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita