1. Home
  2. Politika
  3. Mga Politikal na Krisis

McGill humingi ng tulong sa pulis para buwagin ang pro-Palestinian na kampo

Sinabi ng pulis na ‘walang krimen na ginawa’ sa kampo

Pro-Palestinian protesters sa kampo.

Ang pro-Palestinian protesters nanatili sa lower field ng McGill University pagkatapos mag-set up ng kampo noong Sabado.

Litrato: CBC / Rowan Kennedy

RCI

Sinabi ng presidente ng McGill University na ang mga opisyal ay humingi ng tulong sa pulisya pagkatapos tumanggi ang pro-Palestinian protesters na buwagin ang kanilang kampo sa downtown Montreal campus ng unibersidad.

Sa isang pahayag na ipinadala sa staff at mga estudyante ng McGill ngayong Martes, sinabi ng presidente ng McGill University na si Deep Saini na ang unibersidad ay dumulog sa pulisya pagkatapos mabigo ang mga opisyal na maabot ang isang resolusyon sa mga nagpoprotesta noong Lunes.

Encampments on campus property are outside of protected parameters, especially when they're presented as indefinite in term, and when many participants are not members of our university community, ayon sa pahayag.

Bago mag-4 p.m. noong Lunes, nagbigay ng final warning ang isang McGill security staff member sa mga demonstrador na nagkakampo sa lower field ng unibersidad mula pa noong Sabado.

Pinakiusapan ang mga nagpoprotesta na magbalot na ng mga kagamitan at sinabihan na wala silang karapatan na manatili roon at kailangan na umalis sa naturang lugar. Binalaan ng McGill security employee na kung hindi sila susunod, ipatatawag ang pulis Montreal.

Sinabi ni Saini na ang unibersidad ay may kontak sa pulisya mula nang magsimula ang pagkakampo.

Having to resort to police authority is a gut-wrenching decision for any university president, ani Saini. It is, by no means, a decision that I take lightly or quickly. In the present circumstances, however, I judged it necessary.

Ang abogado na si Neil Oberman, na kumakatawan sa dalawang estudyante ng McGill, ay nakatakdang hilingin sa hukom ang isang provisional injunction laban sa encampment ngayong Martes ng hapon. Ang injunction request, na inaasahang ipa-file sa Montreal courthouse bandang 2 p.m., ay tatargetin ang iba’t ibang tao na kasalukuyang nagpoprotesta sa kampus, ayon kay Oberman. Inaasahan ang McGill University na papangalanan bilang isa sa interested party sa kaso.

Isang tagapagsalita ng pulis Montreal ang nagsabi na walang krimen na ginawa sa kampo at ang sitwasyon ay isang sibil na bagay. Sinabi ng tagapagsalita na ang mga officer ay patuloy na babantayan ang demonstrasyon at handang ipatupad ang court injunction kung ito ay ipagkakaloob.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang files mula kay Rowan Kennedy at Radio-Canada

Mga Ulo ng Balita