1. Home
  2. Kalusugan
  3. Edukasyon

Nursing exam pass rate sa Quebec tumalon sa 92%

Ang passing rate noong Setyembre 2022 ay 45% at 53% noong Marso 2023

Isang nurse may hawak na libro at may nakasabit na stethoscope sa kanyang leeg sa loob ng ospital.

Ang ilang nursing student, frustrated dahil sa mga resulta, sinubukan ipasa ang exam na inaalok sa ibang probinsya sa Canada at sa Estados Unidos.

Litrato: iStock / nathaphat

RCI

Ang kabuuan na 1,702 na kandidato ay pumasa sa test, ibig sabihin sila ay nakakuha ng minimum grade na 57 porsyento. Ang exam ay naganap noong Marso 26 at ito ay bukas sa lahat ng mga kandidato, hindi alintana kung ilang beses na sila bumagsak sa exam.

Ang nag-improve na passing rate ay isang hakbang tungo sa tamang direksyon para gumanda ang access sa pangangalaga ng populasyon ng Quebec, sinabi ni Luc Mathieu, ang pinuno ng nursing order ng probinsya, sa isang news release.

Sa isang pahayag, sinabi ng opisina ni Quebec Treasury Board President Sonia Lebel na ang mga pagsusumikap upang mag-improve ang proseso ng examination ay magpapatuloy.

Ang layunin ay upang tiyakin ang integrasyon ng lahat ng kwalipikadong mga nurse sa health-care system, ayon sa pahayag.

Ang passing rates ay bumagsak sa 45 porsyento noong Setyembre 2022 at nanatiling mas mababa sa average sa 53 porsyento noong Marso 2023. Noong Enero, ang annual report ng nursing order ay ipinakita na nag-isyu ito ng mas kaunting permit noong 2022-2023 kaysa noong nakalipas na dekada.

Ang mga exam na iyon ay napasalilalim sa matinding batikos. Maraming nursing students ang nagsabi sa CBC News na ang exam, na ibinibigay ng Ordre des infirmières et infirmiers du Québec (OIIQ), ay hindi sumasalamin sa kanilang pinag-aralan sa eskuwelahan.

Ang ilang nursing student, na na-frustrate sa mga resulta, nagsumikap na ipasa ang exam na ibinibigay ng ibang mga probinsya at ng Estados Unidos — ang National Council Licensure Examination for Registered Nurses (NCLEX-RN) exam.

Noong huling Mayo, nakipagkita sina Quebec Health Minister Christian Dubé at Quebec Higher Education Minister Pascale Déry sa nursing order upang masolusyonan ang sitwasyon.

Ang pagkabigo ng aspiring nurses ay inilalagay sa panganib ang mga plano ng Quebec, habang naglalayong mag-recruit ng mga nurse ang probinsya mula sa ibang bansa para tugunan ang kakulangan sa health-care system. Para sa iba’t ibang kategorya ng mga kandidato na sinanay abroad, ang pass rate ay nag-improve din.

Si André Gariépy, na pinamamahalaan ang access sa professional orders sa Quebec, nag-isyu ng report na nagsasabi na ang hindi karaniwang mababa na pass rate ay hindi dahil sa mga institusyon ng edukasyon kundi dahil sa mga pagkukulang at kahinaan sa proseso ng eksaminasyon.

Ang reliability level ng mga tanong sa exam ay pretty minimal, at para sa isang high-stakes exam na tulad nito, ito ay dapat mas mataas, aniya.

Nanawagan ang report ng komisyoner para sa mga agarang pagbabago sa exam at isang imbestigasyon sa training ng mga nursing student. Sinabi ng report na ang passing grade requirement ay itinaas na walang justification.

Noong Mayo 2023, inanunsyo ng Ordre des infirmières et infirmiers du Québec na ito ay magre-rely sa NCLEX-RN exam bilang isang assessment tool simula 2024. Noong panahon na iyon, sinabi ng presidente ng nursing order na intensyon ng regulatory body na i-improve ang existing examination sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga rekomendasyon na ipinasa ng komisyoner.

Ngunit noong Pebrero, sinuspinde ng Ordre des infirmières et infirmiers du Québec ang kanilang plano na mag-rely sa NCLEX-RN exam.

Isang artikulo ni Isaac Olson batay sa ulat ng Radio-Canada na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita