1. Home
  2. Lipunan
  3. Tahanan

Benta at konstruksyon ng mga bagong bahay parehong bumaba noong Abril

Ang pagtatayo ng mga bahay at ang merkado ng residential real estate mas bumaba kaysa Marso 2024

For sale sign sa harap ng bahay.

Alamin ang pinakahuling numbers ukol sa home sales at new home construction para sa Abril 2024 (archives).

Litrato: (Katherine Holland/CBC)

RCI

Ang annual rate ng housing starts sa Canada ay bahagyang bumaba ng isang porsyento kumpara noong Marso 2024, habang ang bilang ng residential home sales ay bumaba sa parehong panahon, ayon sa magkahiwalay na set ng mga numerong inilabas ng Canada Mortgage and Housing Corporation (CMHC) at Canadian Real Estate Association.

Ang Canada Mortgage and Housing Corporation, ang national housing agency ng Canada, iniulat na ang annual rate ng housing starts, o kung gaano karaming bagong bahay ang itinatayo, ay bumaba mula 242,267 noong Marso 2024 sa 240,229 noong Abril.

Ang anim na buwang average measure ng trends ng ahensya ay bumaba rin, ang seasonally adjusted moving average sa panahon na iyon ay bumaba ng 2.2 porsyento sa pinakabagong report.

Ang aktuwal na bagong housing construction, kapag hindi seasonally adjusted, ay bumaba sa Toronto, Vancouver at Montreal para sa multi-unit at single-detached homes kumpara noong nakalipas na taon sa Toronto, Vancouver at Montreal.

Naglabas ng hiwalay na numero sa parehong araw, sinabi ng Canadian Real Estate Association (CREA) na ang benta ng mga bahay noong Abril ay bumaba ng 1.7 porsyento sa Canada kumpara noong Marso 2024, bagama’t ito ay mas mataas kaysa noong 2023.

Gayunpaman, sinabi rin ng Canadian Real Estate Association na ang significant part ng mahigit 10 porsyento na pagtalon mula noong isang taon ay dahil sa Easter holiday weekend, na naganap noong Marso ngayong taon, versus Abril noong nakalipas na taon. Mas kaunti ang business days kaysa karaniwan noong Abril 2024 kumpara sa 2023 na maaaring nauwi sa mas mataas na sales.

Habang tumaas ang sales kumpara noong nakaraang taon, ang average sale price ay bumaba ng 1.8 porsyento kumpara noong Abril 2023, sa $703,446.

Ang bilang ng properties na ibinebenta para sa Abril, na kilala rin sa industriya bilang inventory, ay tumaas habang nagsimula ang spring real estate season. Ayon sa Canadian Real Estate Association, ang mas mababang sales noong Abril kumpara Marso, kasama ang mas maraming listings, ay nangangahulugan na ang kabuuang bilang ng mga property sa market ay tumaas ng 6.5 porsyento. Ito ang pinakamataas na lebel, ayon sa real estate association, mula nang magsimula ang COVID-19 na pandemya.

Isang artikulo ni Anis Heydari (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita