1. Home
  2. Politika
  3. Pederal na Politika

Poilievre nanawagan para sa summer break mula sa pederal na buwis sa petrolyo

Sinabi ni Trudeau na si Poilievre ay hindi interesado na labanan ang climate change

Pierre Poilievre nagsasalita sa House of Commons.

Conservative Party Leader Pierre Poilievre (archives)

Litrato: La Presse canadienne / Sean Kilpatrick

RCI

Sinabi ni Conservative Leader Pierre Poilievre na ang pederal na gobyerno ay dapat bigyan ng summer tax holiday ang Canadians sa federal fuel charges.

Ginawa na isang key point ng pag-atake ni Poilievre ang federal carbon tax laban sa mga namumunong Liberal mula nang siya ay naging lider ng Conservative Party. Noong Huwebes, pinatamaan niya ang iba pang federal fuel charges.

Sa pagitan ng Victoria Day at Labour Day, ani Poilievre, kailangan i-exempt ng gobyerno ang gasoline at diesel fuel mula sa federal carbon tax, sa GST (Goods and Services Tax) at federal excise tax.

Nahihirapan ang Canadians at hindi man lang nila ma-afford ang isang bakasyon. Kailangan nila ng break, aniya sa isang press conference sa Vancouver.

Ang exemption ay maaaring bawasan ang presyo ng gasolina ng 30 sentimo kada litro sa mga probinsya kung saan ipinapatupad ang federal carbon tax. Ang British Columbia, Quebec at Northwest Territories ay may sariling carbon pricing systems.

PANOORIN | Poilievre nanawagan para sa isang summer pause sa fuel taxes:

Sinabi ni Poilievre na ang mga nagtatrabahong Canadians ay niloko ng radikal, wacko agenda ng gobyerno.

Bumuwelta naman si Prime Minister Justin Trudeau kay Poilievre nang tanungin tungkol sa proposal sa kanyang sariling press conference noong Huwebes.

Tinukoy ni Trudeau na ang Canada ay nag-aalok ng rebates para i-offset ang halaga ng federal carbon tax at inakusahan si Poilievre na walang plano para sa kapaligiran.

Kapag nagsasalita si [Poilievre] tungkol sa pagtanggal sa tax, nagsasalita siya tungkol sa pagtigil ng paglaban sa climate change, ani Trudeau.

PANOORIN | Trudeau: Poilievre 'mas nanaisin na makitang nasusunog ang bansa' kaysa labanan ang climate change:

Ang kanyang ideolohiya ay napakalakas na mas nanaisin niyang makita ang bansa na masunog at maghirap ang Canadians kaysa ipagpatuloy ang laban sa climate change, sinabi ng prime minister, na tinutukoy ang wildfires kamakailan.

Noong isang taon ang pinaka-worst wildfire on record sa Canada, at nagbabala ang pederal na gobyerno na ang 2024 ay maaaring ganoon din ka-devastating pagkatapos ng isang mild winter.

Ang mga munisipalidad sa B.C. at Alberta ay lumikas in advance sa mga sunog na naglalagablab sa mga probinsyang iyon.

Sinabi ni Trudeau na anumang pag-uusap tungkol sa fuel excise taxes ay dapat maganap kasama ang mga probinsya na responsable para sa significant portion ng excise taxes sa fuel.

Ang pederal na gobyerno ay nagtsa-charge ng flat excise tax na 10 sentimo kada isang litro ng gasolina at apat na sentimo kada litro sa diesel. Karamihan ng mga probinsyal na gobyerno ay nagtsa-charge ng excise taxes na higit sa rates na iyon.

Isang artikulo ni Darren Major (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita