1. Home
  2. Lipunan
  3. Multiculturalism

Ipagdiwang ang galing ng mga Asyano buong buwan kasama ang CBC British Columbia

Asian Heritage Month | Mayo 2024

Isang babae nakangiti sa loob ng kanyang restawran.

Si Amélie Nguyễn ang Co-Founder ng Anh and Chi, isang Vietnamese restaurant sa B.C. Isa siya sa trailblazing Asians na makikilala niyo ngayong Asian Heritage Month.

Litrato: CBC British Columbia

RCI

Ang Mayo ay Asian Heritage Month, isang panahon upang kilalanin at ipagdiwang ang mayamang kasaysayan, mga kontribusyon at achievements ng Asian Canadians sa komunidad.

Upang gunitain ang okasyon, ibinabahagi ng CBC British Columbia ang mga inspiring na kuwento ng trailblazing Asian Canadians na gumagawa ng difference sa kanilang mga komunidad at nagbibigay daan sa mga susunod na henerasyon.

Mula sa mga artist at negosyante, mga lider hanggang change makers, ang CBC ang lugar upang ipagdiwang ang diversity ng mga Asyano sa Canada. Itsek ang lahat ng limang profile features sa ibaba!

  • Amélie Nguyễn ang Co-Founder ng Anh and Chi, isang Vietnamese restaurant sa vibrant hub ng Mount Pleasant.
  • Loveena Chera ang Chief Executive Officer ng InspireHealth.
  • Kevin Huang ang Co-Founder at Executive Director ng hua foundation.
  • Shahnaz Rahman ang Executive Director ng Surrey Women's Centre.
  • Mustaali Raj ay isang independent art director at graphic designer.

At para sa mas marami pang Asian Heritage Month content, bisitahin ang CBC Gem (bagong window) para sa koleksyon ng mga series, documentaries at films na nagbibigay parangal sa mayamang kultura at talento ng Asian Canadians.

Isang artikulo ng CBC Communications na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita