1. Home
  2. Agham
  3. Space

Tipak ng space debris bumagsak sa isang bukid sa Saskatchewan

Ang magsasaka na nakakita sa debris nais ibenta ito upang makakalap ng pera para sa local hockey rink

Isang lalaki katabi ang sunog na metal.

Ang magsasaka mula Saskatchewan na si Barry Sawchuk ang nakadiskubre ng naturang space debris sa kanyang bukid.

Litrato: CBC / Adam Bent

RCI

Bilang magsasaka sa rural Saskatchewan, sanay si Barry Sawchuk na magtanggal ng mga bato at damo sa kanyang bukid.

Ngunit kamakailan nadiskubre niya ang dalawang metro ang lapad, 40 kilo na baluktot at sunog na metal.

Nakita namin ang bagay na ito. Noong una akala namin basura, sinabi ni Sawchuck na ang multiple layer ng sunog na composite fibres at webbing ang nagtulak sa kanya na isipin na ito ay space debris.

Isang grupo ng mga propesor sa astronomiya ang nakabalita tungkol sa kaso at, pagkatapos sumang-ayon na ito nga ay space debris, nagdesisyon na alamin kung saan ito nanggaling.

Batay sa petsa at lokasyon, naikonekta nila ito sa isang rocket mula sa pribadong kompanya na SpaceX na lumipad noong Pebrero.

Binigyang-diin ni University of Regina astronomy professor Samantha Lawler, isa sa mga nakikipag-ugnayan kay Sawchuck, na ang malalaking tipak ng metal mula sa kalawakan ay nakita kamakailan sa Australia at Washington state, at ang isa bumagsak sa bubong ng isang bahay sa Florida.

Sinabi ni Lawler na ang space launches at re-entries ngayon ay nagaganap na araw-araw, kaya ang panganib ng seryosong pinsala o kamatayan ay mabilis na tumataas.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita