1. Home
  2. Kapaligiran
  3. Wildfire

Alberta ipinatupad ang fire restriction habang lumalala ang kondisyon ng wildfires

Ang mga tuyong kondisyon pinapalaki ang banta na sumiklab ang mga bagong sunog

Aerial view ng nasusunog na kagubatan.

Isang aerial image ng wildfire na nasusunog sa timog-silangan ng Fort McMurray malapit sa hamlet ng Saprae Creek Estates. Ang apoy ay kabilang sa 70 na nasusunog sa buong Alberta ngayong Miyerkules.

Litrato: Alberta Wildfire

RCI

Isang malawakang fire restriction ang ipinatupad sa buong Alberta habang ang mainit, tuyong lagay ng panahon iniwan ang mga kagubatan na tinder-dry.

Hinihikayat ng emergency officials na labis na mag-ingat sa mga darating na linggo habang ang walang humpay at malubhang tagtuyot ay itutulak ang mapanganib na wildfire sa extreme.

Ngayong Miyerkules, kasunod ng wildfire information update, nagpakilala ang probinsya ng fire restriction sa forest protection areas ng probinsya sa pagsisikap na i-manage ang panganib.

Maliban sa forest protection zone ng Calgary, lahat ng outdoor fires ngayon ay ipinagbabawal na sa mga pampublikong lupain, kasama ang backcountry at random camping areas.

Ang wildfires ay nag-udyok na sa ilang komunidad na pansamantalang lumikas at inilagay ang daan-daang Albertans on notice na iwanan ang kanilang mga tahanan sa oras na abisuhan.

Nagsimula nang maaga ang wildfire season at nanganganib na mabilis na tumaas, ani Josee St-Onge, ang tagapagsalita ng Alberta Wildfire.

Conditions remain very dry, ani St-Onge sa isang news conference ngayong Miyerkules. We need significant and continued rain to overcome the drought conditions that we are experiencing across many parts of the province.

Kasunod ng winter season na may mababang precipitation, ang snowpack ay naglaho nang mabilis ngayong tagsibol. Dahil walang ulan, ang panganib ay nananatiling mataas.

This is a critical time for wildfire in Alberta. Snow has melted and exposed dead and dry vegetation which is extremely flammable, ani St-Onge.

Wildfires will easily ignite and can spread very quickly.

Ang wildfires sa Alberta ay kinonsumo ang mahigit 755 ektarya na kagubatan ngayong season, kumpara sa 440 ektarya sa panahon na ito noong nakaraang taon.

Mahigit 200 na sunog ang ni-report ngayong taon, kumpara sa 135 sa ganitong panahon noong 2023. Ang average para sa panahon na ito ng taon ay 120 wildfires, na may humigit-kumulang 230 ektarya ang masusunog, ani St-Onge.

Mula Miyerkules ng umaga, 70 wildfires ang nasusunog sa buong Alberta, kasama ang 63 na sumiklab sa forest protection zones.

Ang panganib na sumiklab ang bagong wildfires ay pinaka-extreme sa hilagang parte ng probinsya, na ang risk ay ni-rate na very high sa mga rehiyon kasama ang Fort McMurray, Lac La Biche at Slave Lake.

Mula Miyerkules ng umaga, ang mga residente malapit sa Cold Lake First Nations ay nanatili na nasa evacuation alert, habang ang evacuation orders ay nanatiling in effect para sa Municipal District of Peace No. 135.

Isang sunog malapit sa municipal district ang patuloy na lumalaki nang mabilis. Ang sunog ay lumaki sa humigit-kumulang 1,500 ektarya Miyerkules, lumaki mula sa 250 ektarya na kinonsumo nito noong nakaraang araw.

Ang apoy ay patuloy na naglalagablab out of control at sinusubukan ng ground crews na apulahin ang sunog sa tulong ng air tankers at helicopters.

Isang wildfire na nasusunog timog-silangan ng Fort McMurray ay nagdulot ng banta sa mga bahay sa Saprae Creek Estates. Patuloy na nagtatrabaho ang mga bumbero upang palakasin ang fire guard sa kanlurang bahagi ng apoy, na nasusunog 4.5 kilometro mula sa hamlet. Ito ngayon ay klinasipika as being held.

Sinabi ni Todd Loewen, ang minister ng Forestry and Parks ng Alberta, na ang Alberta ay patuloy na nakararanas ng mas mataas kaysa normal na wildfire risk.

Nakikipagtulungan ang probinsya sa municipal crews at nagdagdag ng mas maraming bumbero sa kanilang ranggo upang siguraduhin na ang frontline ay handa para sa paparating na wildfire season.

While this elevated number of new wildfire starts in 2024 points to concerning levels of wildfire danger, it also means our response tactics are working, aniya.

PANOORIN | Alberta naghahanda para sa matinding 2024 wildfire season:

Isang artikulo ni Wallis Snowdon (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita