1. Home
  2. Sining
  3. Sinehan

[Ulat] Sine Film Fest bagong kaalyado sa pagsulong ng industriya ng pelikula sa Canada

Pinatunayan ng SFF na bukod sa espasyo para sa pelikulang Pilipino ay kakampi ito na mapalakas ang filmmaking

Sina Carlo Mendoza at Justine Abigail Yu nakaupo sa stage habang mababasa sa likod ang Sine Film Fest.

Sina Carlo Mendoza, kaliwa, at Justine Abigail Yu, kanan, sa isang palitan ng tanong at sagot matapos ang ginanap na screening ng pelikulang GomBurZa sa Sine Film Fest.

Litrato: RCI/Rodge Cultura

Rodge Cultura

Nagmarka sa kasaysayan ng industriya ng pelikula ngayong buwan ng Abril ang pagdating ng pinakabagong film festival sa Toronto. Ang Sine Film Fest (SFF), itinayo ng Sine Institute, na bagong dagdag ngayon sa listahan ng film festivals na idinadaos sa Toronto.

Ipinagdiwang sa Sine Film Fest ang pelikulang Pilipino at ang ambag sa larangan ng pelikula sa Canada at maging saan mang parte ng mundo. Pero higit dito ay makikita ang tangka ng Sine Film Fest na maikonek ang komunidad ng mga bago at umuusbong na artists at ang mga nangunguna sa larangan ng filmmaking sa Canada.

Kaugnay na ulat

Inihatid ng pamunuan ng Sine Film Fest ang ipinangako na sampung tampok na pelikula at pitong short films sa screening na ginanap sa 250-seat capacity cinema at screening room ng Hotel X sa Toronto, Ont. Kabilang sa mga napanood sa screening ang 48-oras Sine Challenge winner na pinamagatang Cycle na isang short film ni Ronald Rebutica.

Tampok na mga pelikula:

  • Blue Room
  • Hello, Love, Goodbye
  • Spider-man RAF Vol. 1
  • Firefly
  • Where Is The Lie
  • Topakk
  • Your Mother’s Son
  • GomBurZa
  • Islands
  • Kahel

Maikling mga pelikula:

  • Ivory Turtle
  • Primetime Mother
  • Paco
  • Sinigang
  • Kalinga
  • To Those We Left Behind
  • Cycle

Ang mga manonood ay pinatawa at pinaiyak ng mga pelikulang Pilipino na napanood sa big screen sa Canada sa unang pagkakataon. Ito ang mga pelikula na likha ng filmmakers na Pilipino o kaya may lahing Pilipino.

Naging usap-usapan ng mga manonood ang nakakaantig na eksena sa pelikula ng batang si Tonton na pinagbidahan ng child actor na si Euwenn Mikael Aleta (katauhan na ikinuwento ng aktor na si Dingdong Dantes) sa pelikulang Firefly. Ang paghahanap sa isla ng alitaptap (firefly) ng batang si Tonton ang nagdala sa mga manonood sa sinundan na mga eksena ng kuwento matapos pumanaw ang ina ng bata. Ang kwento ng pelikula ay isinulat ni Angeli Guidaya-Atienza at idinirehe naman ni Zig Dulay.

Agaw atensyon naman ang gumanap na mga aktor at ang cinematography sa mga eksena ng pelikulang GomBurZa. Ang biopic na pelikula hango sa istorya ng tatlong pari (Mariano Gomez, José Burgos at Jacinto Zamora) sa Pilipinas panahon ng kolonyalismo noong 1800s na pinatawan ng kamatayan sa salang pagtataksil. Sinilip sa pelikula ang parte ng istorya bago maparusahan sa pamamagitan ng garote ang tatlong pari na kapwa ikinakabit na utak ng pag-aalsa sa Cavite.

Si Carlo Mendoza hawak ang mikropono katabi si Justine Abigail Yu.

Humarap si Carlo Mendoza, cinematographer ng pelikulang GomBurZa, sa palitan ng tanong at sagot matapos ang screening ng pelikula sa Sine Film Fest.

Litrato: RCI/Rodge Cultura

Pumukaw sa manonood ang mga eksena ng pelikulang GomBurZa na tema ang istorya sa sinapit ng tatlong martir na pari. Matatandaan na ang pelikula na idinirehe ni Pepe Diokno ay humakot ng anim na parangal sa nagdaan na Metro Manila Film Festival kabilang ang Best in Cinematography. Nagkaroon ng pagkakataon sa palitan ng tanong at sagot ang mga manonood ukol sa produksyon ng pelikula nang humarap si Carlo Mendoza, ang cinematographer ng pelikula, matapos ang screening ng pelikula sa Sine Film Fest.

What is the profound impact [to you] as a second-generation filmmaker based abroad when you look at, not the money, but the reason behind the film in terms of Philippine history? tanong ni Ben Corpuz kay Mendoza sa tema na parte ng kasaysayan at partikular na eksena sa eksekusyon ng pari sa huling bahagi ng pelikula.

Si Ben Corpuz itinaas ang kamay hawak ang mikropono.

Si Ben Corpuz nang ipinarating ang tanong niya ukol sa eksena ng pelikulang GomBurZa sa kay Carlo Mendoza na cinematographer ng pelikula.

Litrato: RCI/Rodge Cultura

When we shot the scene we only have a day, 10 hours or maybe nine because of breaks ... but we have half a day to add those reaction shots (pagluhod ng mga tao). Pepe (ang direktor) said our ending cannot be without that. He was insistent on that, sabi ni Carlo Mendoza. He (Padre Burgos) was still fighting. It's the struggle of every Filipino.

Hinimay at ikininuwento ni Mendoza ang ilang parte ng produksyon ng mga eksena sa pelikula. Naungkat pati ang produksyon ng eksena ng pagbitay sa mga bayaning pari batay sa paraan ng direktor ng pelikula.

From beginning, the time of Spaniards, until now. We are struggling to be out of this darkness … that was Pepe (ang direktor), I really have to capture that and the movement of the camera. And looking at behind the scenes of the camera it's very chaotic. We have people fainting. It was very hot (paglarawan niya sa panahon), dagdag ni Mendoza tungkol sa kuhang eksena sa pelikula.

Kaugnay na ulat

Mga tao tiningnan ang mga film equipment.

Ipinakita ang mga kagamitan ng Canada Film Equipment habang ipinapaliwanag ang gamit ng mga ito sa filmmaking matapos ang workshop ukol sa cinematography sa ginanap na Sine Film Fest sa Toronto.

Litrato: RCI/Rodge Cultura

Pagtuturo sa paggawa ng pelikula

Habang idinaos ang screening ng mga pelikula sa cinema ay abala na ginaganap ang workshops sa ibang kwarto kung saan itinuturo ang cinematography, proseso ng produksyon at film post-production para naman sa mga nais maintindihan at mapalalim ang kaalaman sa teknikal at malikhaing proseso na paggawa ng pelikula. Katuwang ng Sine Institute ang Toronto Film School (TFS) sa ginanap na pagtuturo pati sa pag-arte sa voice-over, live performance at sa harap ng kamera.

Sa panayam ng Radio Canada International ipinaliwanag ni Craig McKay, direktor para sa tagumpay ng estudyante sa Toronto Film School, ang siyensiya sa likod ng produksyon para panatilihin ang atensyon at interes ng tao na panoorin ang isang pelikula.

The workshop today (film post-production) was about understanding the craft of editing in a precise way in what we are trying to achieve when we are editing, ani McKay sa pangatlong workshop na tangka ang maipaliwanag ang proseso ng post-production ng pelikula.

Si Craig McKay nakatayo habang nakalagay ang mga kamay sa kanyang bulsa.

Si Craig McKay, direktor ng Toronto Film School, habang itinuturo sa workshop ang film post-production sa ginanap na Sine Film Fest.

Litrato: RCI/Rodge Cultura

In actuality, there is component of psychology, of neuroscience because ultimately here you are crafting something that interacts with the human brain where you can predict in a human level. A lot of people react to one stimuli. Diving down into some of that science, some of that ideas ... philosophy so we can have a better understanding of how film … television editors do. And how their crafts, in the efforts to construct this theme, as a means to an end, paliwanag ni McKay.

In the end essentially ... the manipulation of human mind - not necessarily in a negative way but in a way that were strategically provoking thoughts and feelings - in such a way that is captivating that you can't help but pay attention.

Ipinakita ni McKay ang kanyang proseso sa paglapat ng tunog, boses at teknik sa paggamit ng biswal sa pag-e-edit ng bidyo at tunog sa parte ng film post-production. Kanya rin ibinahagi ang trend sa artificial intelligence at ang tradisyonal na gamit na software program na malimit ginagamit para mapabilis ang pagkuha sa pinagplanuhan na eksena, komposisyon at galaw ng kamera sa araw ng produksyon. Tinangka niya na maipaliwanag ang codec sa recording ng bidyo sa mga kamera at ang implikasyon ng mga ito pagdating sa editing ng bidyo sa post-production.

Isa sa dumalo sa workshop ng film post-production si John Babu, isang hobbyist sa filmmaking, na hindi pinalagpas ang magtanong sa proseso ng editing ng isang pelikula.

I’m a self-taught filmmaker, wika ni Babu. I like all the topics but todays topic - I like editing. We thought of very technical point of view, cutting frames, software and so on. But his talk focus on the psychology of the audience, and how to retain attention and involve them emotionally. That was a very interesting topic and I did not expect that, aniya.

Si John Babu nakatingin sa camera.

Dumalo sa workshop ng film post-production si John Babu na isang lisensyado at propesyonal na medical laboratory technologist na hilig ang filmmaking. Siya ay 12 taon na karanasan sa filmmaking na kayang natutunan sa sariling pagbabasa at pagsaliksik.

Litrato: RCI/Rodge Cultura

Ang Toronto ay may mahabang listahan sa mga ginaganap na film festival kada taon. Ang Toronto International Film Festival o TIFF ang pinakamalaki at prestihiyoso sa mga ito na nagsimula noon pang 1976 at ginaganap tuwing Setyembre ng taon. Ang Hot Docs Canadian International Documentary Festival, Toronto Jewish Film Festival at Female Eye Film Festival ay ilan sa iba pang film festivals na idinadaos sa lungsod kada taon.

Ang Sine Film Fest na bagong dagdag sa listahan ay nagbigay-daan na mapanood sa big screen sa Canada ang mga pelikula na gawa ng filmmakers at mga aktor na Pilipino o may lahing Pilipino. Pero bukod dito ay malinaw na kabilang sa tangka ng Sine Film Fest ang mapagbuklod at mapalakas ang komunidad ng creators kasabay nito ay makatagpo ang mga maimpluwensiyang lider sa industriya ng filmmaking sa siyudad na itinuturing na sentro ng industriya ng pelikula sa Canada.

Rodge Cultura

Mga Ulo ng Balita